INAPRUBAHAN ng Kagawaran ng Agrikultura ng Amerika ang isang genetically modified na kamatis na kulay ube, bilang natatanging prutas na maaring ibenta na rin sa mga merkado ng Amerika sa susunod na taon.
Ang kamatis na kulay ube ay nadevelop ng isang pangkat ng mga siyentipiko, kabilang ang British biochemist na si Cathie Martin, na isang propesor sa University of East Anglia at isang pinuno ng proyekto sa John Innes Center sa Norwich, England.
Ayon sa mga siyentipiko, ang kamatis na kulay ube ay walang pinagkaiba mula sa karaniwang pulang kamatis.
Bukod dito, ang halaman na ito ay maaaring itanim nang ligtas, may mga magandang benepisyo sa kalusugan at mas mahabang buhay kaysa sa ordinaryong pulang kamatis.
Sa mga nakaraang taon, ang layunin ng mga genetically modified foods ay makabuo ng mga tanim at mga prutas na mas sustainable.
Para sa mga siyentipiko, ito ay isang bagong paraan sa kanilang pagdidiskubre bilang mga agronomista at sayantipikong nakatuon sa agrikultura, upang mapabuti ang sistema ng produksyon ng pagkain para sa sangkatauhan.