Mga biktima ng kalaban ng estado, umiiyak ng hustisya ayon kay Pastor Apollo sa pagbasura ng petisyon vs CPP-NPA

Mga biktima ng kalaban ng estado, umiiyak ng hustisya ayon kay Pastor Apollo sa pagbasura ng petisyon vs CPP-NPA

MAITUTURING na isang propaganda, para sa Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang naging pagbasura ng Manila Regional Trial Court Branch 19 sa petition ng Department of Justice (DOJ) noong Pebrero taong 2018 na ideklara ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang grupo.

Sa 135 pahinang desisyon na inilabas noong ika-50 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law, sinabi ni Judge Marlo Magdoza-Malagar na hindi terorista ang CPP-NPA.

Bagay naman na nag-udyok sa butihing Pastor na bansagang propagandista ang nasabing judge dahil na rin sa mga naging pamantayan nito sa pagbasura sa kaso.

Batay na rin sa inilabas na desisyon ni Judge Malagar kung saan, bagama’t isinalaysay nito ang kasaysayan ng karahasan ng CPP-NPA sa bansa, ang mga inihaing insidente ng kalupitan ng CPP-NPA ay hindi pasok sa depinisyon ng terorismo sa ilalim ng batas at maaari aniyang ituring na lang ito bilang common crimes sa ilalim ng Revised Penal Code.

Samantala, matatandaang agad na sinisante ni Pastor Apollo sa  kanyang Live Spotlight program nitong Huwebes si Judge Malagar na nagtuturo din sa kanyang pinatatakbong law school.

At nitong Biyernes, muling binigyang-diin ng butihing Pastor na hindi tanggap ang mga makakaliwang abogado sa kanyang paaralan kundi ang mga matutuwid lang.

Pinaalalahanan naman ni Pastor Apollo ang bigat ng trabaho ng isang husgado lalo na ang mga umiiyak ng hustisya.

Sa kabilang banda, maaring takot ang dahilan kung bakit nagawang ibasura ni Judge Malagar ang kaso laban sa mga komunistang teroristang grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter