MAHIGPIT na tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa vote buying.
Ito ay kasunod ng pagsisinula ng pangangampanya ngayong araw, Pebrero 11, 2025 para sa mga senador at party-list sa Mayo.
Ayon kay Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, pangunahing tututukan ng PNP ay ang pagpapatupad ng “money ban”, limang araw bago ang halalan.
Ibig sabihin, kailangang magpaliwanag ng isang indibiduwal kung siya ay magbibitbit ng perang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso pataas sakaling daraan sa checkpoint.
Paliwanag ng PNP, hindi naman pinagbabawal ang pagdadala ng pera pero nais lamang nilang tiyakin na lehitimo ito at hindi magamit sa potensiyal na pamimili ng boto.
Follow SMNI News on Rumble