PAIIGTINGIN ng Police Regional Office (PRO) 8 ang kampanya laban sa New People’s Army (NPA).
Ito ay matapos ang isinagawang pag-atake ng mga NPA sa mga pulis na nagsasagawa ng humanitarian activity sa Gandara, Samar na ikinasawi ni Patrolman Mark Monge.
Ayon kay PRO 8 Regional Director Police Brigadier General Bernard Banac, mariing kinokondena ng Pambansang Pulisya ang ginawa ng mga miyembro ng NPA.
Hindi aniya sila titigil sa pagtugis sa mga salarin dahil ang mga ito ay isa sa mga ugat ng kahirapan sa mga liblib na lugar sa Eastern Visayas.
Agad naman nag-abot ng financial assistance si Banac sa pamilya ni Monge at tiniyak ang hustisya para sa nasawing pulis.