PATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Palanas, Masbate.
Nagsasagawa ng security operations ang 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang makaharap ang nasa 20 miyembro ng NPA sa Barangay Miabas.
Tumagal ng 8 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang communist terrorist.
Nakuha sa lugar ang M16 rifle, anti-personnel mine, at bandolier.
Habang nagpapatuloy ang pagtugis sa mga tumakas na kalaban ng gobyerno.
Iginiit ni AFP Chief of Staff General Andres Centino na lumiliit ang pwersa ng NPA dahil sa pinaigting na operasyon ng militar at patuloy nila itong gagawin upang hindi na makapag-recruit ang grupo.