NATUNTON ng mga sundalo ang isang kampo ng communist terrorist group (CTG) na CPP-NPA-NDF sa probinsiya ng South Cotabato.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. William Gonzales na nadiskubre nila ang kuta ng mga rebelde habang nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng 5th Special Forces Battalion sa Sitio Demamis, Brgy. Lacunon, T’boli, South Cotabato.
Ang nasabing kampo ay pinaniniwalaang inabanduna ng komunistang teroristang grupo sa ilalim ng pamumuno ni alias Macmac na siya namang target ng mga awtoridad nitong mga nakaraang operasyon na ginawa ng 1st Mechanized Brigade sa nasabing lugar.
Nakuha sa nasabing kampo ang iba’t ibang gamit na pandigma, sa ngayon ay patuloy pa ang ginawang operasyon ng militar upang mahuli ang mga tumakas na rebelde.