Kampo ni BBM, nagpapasalamat sa mga naghain ng disqualification cases

Kampo ni BBM, nagpapasalamat sa mga naghain ng disqualification cases

PINAPASALAMATAN ng kampo ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang lahat na naghain ng disqualification cases.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief-of-staff ni BBM sa panayam ng SMNI News, sa pamamagitan nito ay mas lalo pa aniya nilang ipinagtibay at ipinakita na hindi nahahadlangan ang kandidatura ni Marcos.

Kahapon nang maibasura ng COMELEC ang huling disqualification cases na inihain laban kay BBM dahil sa kawalan ng sapat na katibayan.

Kung matatandaan, umabot sa walo hanggang siyam na DQ cases ang inihain at lahat ay naibasura na.

Samantala, ang obligasyon ni BBM ay sa kapwa mga Pilipino at hindi sa mga banyaga tulad ng BBC.

Ito ang naging tugon ni Rodriguez hinggil sa isyu ng hindi pagpapa-interview umano ni Marcos sa BBC.

Follow SMNI NEWS in Twitter