Kampo ni Cong. Teves, nais makakuha ng paliwanag kaugnay sa suspension na ipinataw ng Kongreso

Kampo ni Cong. Teves, nais makakuha ng paliwanag kaugnay sa suspension na ipinataw ng Kongreso

MAY ilang mga bagay ang nais na marinig ng kampo ni Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves, Jr. mula sa House of Representatives kaugnay sa 60-day suspension na ipinataw sa mambabatas.

Gayunman ay ipinaliwanag ni Atty. Ferdinand Topacio na hihintayin nila ang sagot ng Kongreso at matapos niyan ay agad silang aaksiyon, pero depende sa magiging desisyon ni Teves.

Inamin naman ni Topacio na nakausap na nila si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at nagkaroon sila ng tinatawag na gentlemans agreement pero hindi muna aniya ito maaaring isapubliko.

Nilinaw naman ni Topacio na nais lang ni Teves na maging patas ang proseso sa kinakaharap na isyu lalo na at hindi pa naman ito napatutunayang guilty sa akusasyon.

Kaugnay nito’y iginiit ni Topacio na totoong may banta sa buhay si Teves bago pa man nangyari ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, katunayan ay matagal na aniya itong isinapubliko ni Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter