Cash assistance mula sa Int’l Monetary Fund, natanggap na ng Sri Lanka

Cash assistance mula sa Int’l Monetary Fund, natanggap na ng Sri Lanka

NATANGGAP na ng Sri Lanka ang unang bugso ng cash assistance mula sa International Monetary Fund (IMF).

Nitong Lunes, March 20, 2023 nang dumating ang 3 billion USD ayon kay Sri Lankan President Ranil Wickremesinghe.

Gagamitin ng Sri Lanka ang pondo para maisaayos ang kanilang ekonomiya na naapektuhan dahil sa COVID-19.

Umaasa ang nabanggit na bansa na ang cash assistance mula sa IMF ay magiging daan para makatanggap din sila ng tulong mula sa World Bank at Asian Development Bank (ADB).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter