Huwag agad husgahan si Congressman Arnie Teves , ito ang sinabi ng kaniyang abogado na si Attorney Ferdinand Topacio, sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City Circle ngayon araw.
Nilinaw ni Atty. Ferdinand Topacio abogado ni Cong. Arnulfo ‘Arnie’ Teves na hindi p’wede tanggalin o iexpel ang isang mambabatas kung wala pang kasong isinampa laban kay Teves.
Paliwanag ni Atty. Topacio inihalimbawa nito sina Dating Pangulo at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na hindi na expelled dahil wala pang sapat na ebidensiya at mayroong tinatawag na ‘presumption of evidence’.
Ayon kay Atty. Topacio na minomonitor pa lamang ang galaw ng kaniyang kliyente at wala pang kasong isinampa laban kay Teves.
Diin pa ni Topacio na umano pigilin ang isang indibidwal na umalis sa ibang bansa habang wala pang kasong isinampa laban sa kanyang kliyente.
Panawagan ni Atty. Topacio sa mga kritiko ng kaniyang kliyente na huwag naman basta’t husgahan si Cong Teves hangga’t wala pang matibay na ebidensiya at kasong isinampa laban sa kanya.
Samantala, lumutang naman si Ms. Hanna May Oray at nakatakdang maghain ng kaniyang reklamo na paglabag sa karapatan pang tao.
Kahit sila ay walang kasalanan at ikinulong ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kinalaunan ay pinakawalan din ito ng CIDG.
