Kanselasyon sa birth certificate ni Mayor Guo, walang epekto sa kaso

Kanselasyon sa birth certificate ni Mayor Guo, walang epekto sa kaso

NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na hindi makakaapekto sa reklamo laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang pagpapakansela sa birth certificate nito.

Ipinaliwanag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na ibang usapin ang birth certificate mula sa reklamong human trafficking na inihain laban sa alkalde dahil sa operasyon ng illegal POGO sa Bamban.

Gayunman ay maaari aniyang masampahan ng reklamo ang mga sangkot sa pag-iisyu ng birth certificate ni Guo kapag napatunayang pineke o may anomalya sa paglabas nito.

Samantala, iginiit ni Clavano na noon pa tinitingnan ng DOJ ang isyu sa mga pekeng government ID na nakukumpiska sa mga sinasalakay na POGO hubs.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble