WALANG away ang China at Pilipinas kung ilarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang relasyon ng parehong bansa noong mga nagdaang administrasyon.
Sinabi ito ng dating pangulo kasunod ng pagbisita niya sa Tacloban City kasabay ng National Day of Protest June 30.
“Wala naman tayong away sa China noon. We were free to fish in and out in that area. No one was bugging us and there was issue of territory, we were not molested we went there to fish my countrymen to make a living undisturbed,” saad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nag-ugat ang naturang pahayag ng dating pangulo kasunod ng panibagong tensiyon sa Ayungin shoal na kung saan muling nakatikim ang Pilipinas ng pangha-harass sa Chinese coast guard.
Ngunit binigyang-diin ng dating pangulo na sa atin ang West Philippine Sea kahit pa ito’y isang contested area.
“Ako being a Filipino, ‘yung contested area although it is contested between China and tayo, if you ask me, atin talaga ‘yan. So, as a Filipino, I would insist that part of West Philippine Sea is atin,” giit ni Duterte.
Sa ngayon, kahit pa nga lalong tumitindi ang tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo ay hindi pa naman umano niya nakikita na hahantong tayo sa giyera.
“Hindi naman siguro, I don’t see that it would go out of control. We have not reached that level of animosity. Severity hostility with China that would warrant trouble for the country and for China also,” saad nito.
Marcos Jr. administration, hinayaang magpagamit sa amerikano—FPRRD
Samantala, hinggil naman sa isyu ng pagdami ng base militar ng mga amerikano dito sa Pilipinas.
“Nevermind the people that America is using. That is part of geopolitics of America. And the Philippines, ginamit eh. Nagpagamit wala tayong magawa,” ayon kay dating Pangulong Duterte.
Nung termino nga umano niya ay wala siyang natatandaang pagkakataon na nakipag-usap siya sa mga Amerikano.
“During my time I do not even remember a day of the six years that I was president na may kausap akong Amerikano sa Malacañang. I do not even remember receiving the ambassador of America,” giit ni Duterte.
Ipinunto rin ng dating pangulo na pagdating sa foreign policy ng isang bansa ang presidente lang at wala nang iba pa ang puwedeng magdikta at magdesisyon kaugnay rito.