Kapakanan at seguridad ng mga mag-aaral, mas paiigtingin ng DepEd

Kapakanan at seguridad ng mga mag-aaral, mas paiigtingin ng DepEd

MAS paiigtingin ng Department of Education (DepEd) ang pangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga mag-aaral sa mga paaralan.

Ito ay sa gitna ng paggunita ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation mula Pebrero 7-13, 2023.

Ayon sa DepEd, inilunsad nila ang Learners Telesafe Contact Center Helpline na eksklusibong tumutugon sa mga concern ng mag-aaral, partikular sa usapin ng pang-aabuso.

Dagdag ng ahensya, handa ang Learners Telesafe Contact Center Helpline na tumugon at tumulong sa mga estudyante.

Para sa mga concern, maaaring makipag-ugnayan sa [email protected], https://facebook.com/deped.lrpo/, (02) 8632-1372, 0945-175-9777.

 

Follow SMNI News on Twitter