INILABAS na ng Netflix ang bagong trailer ng hit South Korean series nitong “The Glory Part 2” na pinagbibidahan ni Song Hye-Kyo at Lee Do-Hyun na nakatakdang magbalik sa streaming platform sa March 10.
Sa “The Glory Part 2” ay mapapanood na ng viewers ang paghihiganting plinano ng karakter ni Hye-Kyo na si Dong-Eun laban sa kanyang mga high school bullies.
Mapapanood din pati na ang posibleng namumuong pagtingin nito sa kanyang mga leading man na ginagampanan nila Lee Do-Hyun at Jung Sung II.
Matapos itong ilabas ng Netflix noong December 2022, mabilis na nag trending ang serye at umakyat sa top 10 TV list ng platform sa buong mundo sa loob ng 5 linggo.