NAGPAALALA si Senador Robinhood Padilla sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) na galangin ang karapatan ng mga bilanggo.
Ito ay kasunod ng plano ng mga ahensya na ilipat ang mga bilanggo mula sa New Bilibid Prison patungo sa mga penal colony sa probinsya.
Ani Padilla, may karapatang pantao pa rin ang mga ito at karamihan aniya sa mga bilanggo ay mahihirap na di nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng legal representation.
Hirit ni Padilla na mabigyan ng karapatan ang mga preso na mabisita ng kanilang pamilya bilang tulong sa kanilang rehabilitasyon.
Samantala naghain na rin ng panukalang batas si Padilla para sa kapakanan ng mga bilanggo kung saan hirit nito ay magkaroon ng standard at unipormeng disenyo para sa mga itatayong kulungan ng mga ito.