HINDI dapat ibigay sa mga trader ang karapatan sa importasyon ng mga produkto, partikular na sa agrikultura.
Ito ang binigyang-diin ni Federation of Philippine Industries (FPI) chairman Dr. Jesus ‘Jess’ Arranza sa SMNI News.
Kaugnay ito sa imbestigasyon ng Kongreso kay ‘Sibuyas Queen’ Leah Cruz na pinaniniwalaang nag-ooperate ng pinakamalaking kartel ng sibuyas sa bansa.
Giit ni Arranza, dapat ang mabibigyan ng karapatang mag-angkat o mag-import ay ang mga mismong apektadong magsasaka at hindi sa mga trader na hindi naman nalulugi.