Kaso ng cholera sa bansa, tumaas

Kaso ng cholera sa bansa, tumaas

AABOT na sa halos apat na libo ang kaso ng cholera sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 3, 980 ang cholera cases as of October 8.

Ito ay mas mataas ng 270 percent kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Noong 2021 sa magkatulad na panahon ay nakapagtala lamang ang bansa ng 1, 077 cholera cases.

Sa surveillance data ng ahensya, ang rehiyon na may pinakamataas na kaso nito ay ang Eastern Visayas.

Follow SMNI NEWS in Twitter