Kaso ng leptospirosis, patuloy na tumataas—DOH

Kaso ng leptospirosis, patuloy na tumataas—DOH

PATULOY na tumataas ang kaso ng leptospirosis sa gitna ng mga baha na dala ng sama ng panahon.

Ayon sa Department of Health (DOH) nakapagtala ng 542 na kaso ng leptospirosis sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo na may 139% na mas mataas kumpara sa dalawang linggo.

Umabot na rin sa 359 ang bilang ng nasawi dahil sa bacterial disease ngayong taon, kung saan may 10.8% case fatality rate.

Ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Davao Region ay nakapagtala ng 5 hanggang 143 na kaso sa nakalipas na apat na linggo.

Samantala, may kabuuang 3,325 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 19, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble