MAGKAIBA ang kaso ni dating Chief of Staff Gigi Reyes at dating Senator Leila de Lima.
Ito ang komento ni Atty. Harry Roque hinggil sa panawagan na palayain na rin si De Lima kasunod ng pagkakalaya ni Reyes.
Ayon pa kay Roque, 9 na taon nang nakakulong si Reyes subalit hindi pa tapos ang kanyang kaso.
Si De Lima, 6 na taon pa lang na nakakulong.
Binigyang-diin pa ni Roque na si Reyes ay nakakulong sa ordinaryong kulungan ngunit si De Lima ay nakakulong nga ngunit naka-VIP suite naman.