Kasunduan sa internet connectivity, clean energy, healthcare, nilagdaan sa pagbisita ni PBBM sa US

Kasunduan sa internet connectivity, clean energy, healthcare, nilagdaan sa pagbisita ni PBBM sa US

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglagda sa limang pangunahing kasunduan sa pagitan ng mga pribadong sektor mula sa Pilipinas at US.

Ito ay sa sideline ng kaniyang pagdalo sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting at mga kaugnay na aktibidad sa San Francisco, California.

Ang mga dokumentong iprinisenta ay kinabibilangan ng kasunduan sa pagitan ng AC Health at Varian, kung saan magbabahagi sila ng kadalubhasaan sa pagpapatakbo ng specialty oncology hospital, mga klinika at mga parmasya.

Nilalayon nitong matiyak ang isang mahusay na paraan ng paghahatid ng mga serbisyo sa mga pasyente at gawing mas accessible ang pangangalaga sa kanser sa mga pasyenteng Pilipino.

Sumang-ayon din ang Lloyd Laboratories at DIFGEN Pharmaceuticals na magtulungan sa paghahain ng Abbreviated New Drug Applications (ANDA) at sa marketing ng magkasanib na developed pharmaceutical products sa loob ng Estados Unidos.

Isang pamumuhunan na hanggang 20M US dollars ang gagawin din ng Lloyd Laboratories para sa pagtatatag at pagpapatakbo ng unang US Food and Drug Administration (FDA)-approved manufacturing facility sa Pilipinas.

Bukod dito, ang mga kinatawan ng Ultra Safe Nuclear Cooperation (USNC) ay lumagda rin sa isang kasunduan sa Meralco sa pagsasagawa ng isang pre-feasibility study para sa potensiyal na deployment ng Micro Modular Reactors.

Ito’y upang ipatupad ang sustainable energy agenda at magbigay ng abot-kaya at maaasahang pag-access sa enerhiya, lalo na sa ‘underserved and off-grid areas’ para sa economic empowerment.

Nilagdaan din ang isang kasunduan sa pagitan ng ORBITS at ASTRANIS para sa deployment ng unang dalawang internet satellite na nakatuon sa Pilipinas.

Ang kasunduan ay inaasahang bubuo ng $400 milyon na halaga ng pamumuhunan sa susunod na walong taon sa pamamagitan ng mga MicroGEO satellite.

Dagdag pa rito, nilagdaan din ang ang memorandum of understanding sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at ATMO Inc. para bumuo ng high-resolution na weather forecasting system para sa Pilipinas gamit ang AI technology.

Kaugnay rito, inihayag ni Pangulong Marcos na lahat ng nabanggit na nilagdaang kasunduan ay gaganap ng mahalagang papel sa usapin ng climate resiliency, internet connectivity, clean energy, pharmaceutical manufacturing, at healthcare system.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble