Kasunduan sa pagtatatag ng AI-powered weather forecasting system para sa Pilipinas, nilagdaan sa sidelines ng APEC

Kasunduan sa pagtatatag ng AI-powered weather forecasting system para sa Pilipinas, nilagdaan sa sidelines ng APEC

PINIRMAHAN ng nangungunang artificial intelligence (AI) meteorology company na ATMO Inc. ang isang memorandum of agreement (MOA) sa Department of Science and Technology (DOST) para sa pagbuo ng high-resolution na weather forecasting system para sa Pilipinas gamit ang AI technology.

Ginanap ito sa sidelines ng 30th APEC Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang MOA na nilagdaan nina DOST Undersecretary Maridon Sahagun at ATMO Inc. Founder at CEO Alexander Levy.

Ayon kay Pangulong Marcos, Jr. ang pakikipagtulungan ng ATMO at ng DOST sa isang AI-powered weather forecasting system ay makatutulong sa Pilipinas na makabuo ng climate resilience.

Ito ang magiging pinakamalaking AI-driven weather forecasting program sa Asya, na inaasahang gaganap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng katatagan ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, Jr. malaki ang maitutulong sa Pilipinas ng nasabing nilagdaang kasunduan sa weather forecasting lalo’t isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakaapektado ng mga bagyo.

“The Philippines is one of the countries most affected by typhoons, with an annual average of 20 typhoons that bring heavy flooding and cause billions of pesos in damage to infrastructure, to agriculture, and to people’s lives.  ATMO and the Department of Science and Technology’s (DOST) partnership on an AI-powered weather forecasting system will help the Philippines build its climate resilience,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

PH gov’t at Silicon Valley companies, nagkasundo na magtulungan sa artificial intelligence at cybersecurity

Samantala, nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at mga nangungunang kompanya ng Silicon Valley na magtulungan sa larangan ng artificial intelligence (AI) at cybersecurity.

Sa isang roundtable meeting kasama ang technology companies at venture capitalists sa San Francisco, California, sinabi ng Pangulo na upang makasabay sa patuloy na lumalaking demand at pagsulong sa larangan ng AI at cybersecurity, nakatuon ang gobyerno sa upskilling at reskilling ng Filipino workers.

Sa kabilang banda, sinabi ni David Dewalt, CEO ng Nightdragon, na ang kaniyang kompanya at ang iba pang mga tech firm na naroroon sa roundtable ay umaasa na dalhin ang lahat ng mga teknolohiya, partikular ang generative AI sa Pilipinas, na magiging kapaki-pakinabang sa bansa.

Ang Nightdragon ay isang nangungunang venture capital firm para sa cybersecurity, security, safety, at privacy.

Sa kabilang dako, inihayag naman ni Ryan McInerney, CEO ng Visa, na ang generative AI ay magiging isang leveling force para sa maliliit na negosyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble