INILABAS na ang kauna-unahang Cybertruck ng Tesla sa electric vehicle marker’s plant sa Austin Texas.
Una nang inanunsiyo ni Tesla co-founder at CEO Elon Musk sa buong mundo noong 2019 ang disenyo ng nasabing Cybertruck, ngunit naantala ang paglabas nito dahil sa kakulangan ng mga materyales na kinakailangan.
Kaugnay rito, ibinahagi rin ng Tesla na layunin nilang makagawa ng 250,000 Cybertrucks kada taon pero depende pa rin sa demand.