Elon Musk, nagpaliwanag sa pagpalit ng logo ng Twitter

Elon Musk, nagpaliwanag sa pagpalit ng logo ng Twitter

PINALITAN ng social media platform na Twitter ang kanilang logo ng imahe ng isang aso na Shiba Inu.

Napansin ng ilang Twitter users na napalitan ang logo sa katulad ng dogecoin na isang cryptocurrency.

Sa Twitter post ni Musk, makikita ang isang ‘doge’meme na nakasakay sa kotse habang ang isang pulis ay diumanu’y sinusuri ang lisensiya sa pagmamaneho, nakita ng pulis ang ‘lumang’ asul na logo ng ibon; sinabi ng doge sa pulis na ‘iyan ay lumang litrato.

Matatandaang tagasuporta ng dogecoin si Mr. Musk noong 2013.

Ayon kay Musk, tinanggap ng Tesla ang dogecoin bilang bayad at gagawin din ng SpaceX.

Tumaas na ng 30% ang dogecoin matapos itong lumitaw sa interface website.

Follow SMNI NEWS in Twitter