SA kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ang Sabah Day sa Agosto 31, kasabay ng pagdiriwang ng Merdeka Day na taunang ipinagdiriwang sa Malaysia.
Ang pagdiriwang ng Sabah Day ay bilang paggunita sa paglaya ng estado sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 60 taon.
Ayon kay Chief Minister Datuk Seri Hajiji Noor, ipagdiriwang ng estado ang inaugural na Sabah Day sa Tambunan.
Aniya, ang pagdiriwang ay gaganapin taun-taon sa iba’t ibang distrito ng estado.
Ayon pa rito, nararapat na parangalan at gunitain ang araw ng paglaya ng estado mula sa paghahari ng Britanya noong Agosto 31, 1963.
“Let us honor and commemorate the day which marked the end of British colonial rule in Sabah (on August 31, 1963) and signifies our journey of coming together as a people to establish self rule,” ayon kay Datuk Seri Hajiji Noor, Chief Minister.
Nakatakdang ganapin ang unang Sabah Day event pagkatapos ng pagdiriwang ng National Day sa parehong araw.