HANDANG tumalima ang Commission on Elections (COMELEC) sa kautusan ng Supreme Court (SC) na iproklama si Roberto ‘Pinpin’ Uy, Jr. bilang nanalong kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Norte.
Sa desisyon ng Supreme Court na isinulat ni SC Associate Justice Mario Lopez, ipinawalang-bisa ang pagproklama kay Romeo “Kuya Jonjon” Jalosjos, Jr. at isinantabi ang mga resolusyon at kautusan ng poll body noong 2022 dahil sa ‘grave abuse of discretion’.
Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bagaman hindi siya nakibahagi sa nasabing kasong ito, susunod aniya sila sa desisyon ng SC.
Pangako rin ni Garcia na simula ngayon lahat ng mga nuisance cases ay reresolbahin ng Komisyon bago ang mga manual elections o bago ang pag-imprenta ng mga balota sa automated elections upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.