Khaby Lame nakalaya na matapos maditene sa US Immigration

Khaby Lame nakalaya na matapos maditene sa US Immigration

NA-detain ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) ang sikat at mayroong milyun-milyong followers sa TikTok na komedyanteng si Khaby Lame matapos umano itong mag-overstay sa United States.

Ayon sa ICE, si Lame ay hinuli noong Hunyo 6, 2025 sa Harry Reid International Airport sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit kalaunan ay pinalaya rin sa kaparehong araw at pinayagang umalis nang kusa sa Amerika.

Nabatid na dumating si Lame sa U.S. noong Abril 30, ngunit lumampas umano ito sa itinakdang panahon para manatili ito sa U.S. Pero batay sa mga awtoridad umalis din ng bansa si Lame.

Matatandaang kilala si Lame sa kaniyang mga tahimik ngunit nakakatawang TikTok videos na pumupuna sa mga kumplikadong “life hacks.”

Sa kabila ng mga insidente, wala pang inilalabas na pahayag si Lame sa kaniyang social media accounts.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble