Kilalanin ang mga sikat na atraksiyon sa Ili Kazakh Autonomous Prefecture, Xinjiang China

Kilalanin ang mga sikat na atraksiyon sa Ili Kazakh Autonomous Prefecture, Xinjiang China

ISA sa mga sikat na atraksiyon sa Yining ang Shanxi Mosque na itinayo noong Qing Dynasty.

Mula Urumqi, ang capital city ng Xinjiang ay bumiyahe ng isang oras sakay ng eroplano, ang higit 20 journalist kabilang na ang SMNI News sa lungsod ng Yining.

Ang Yining ay ang kabisera ng Ili Kazakh Autonomous Prefecture sa Xinjiang Region.

Islam ang nangungunang relihiyon sa lugar.

Bagama’t hindi pa bukas para sa mga turista ang Shanxi Mosque ay isa sa mga sikat na atraksiyon sa Yining.

Itinayo ito noong Qing Dynasty at ito ay kasalukuyang pinakamalaking Chinese classical palace-style mosque.

Ang istruktura ng moske ay isang kombinasyon ng tradisyonal na Chinese brick at wood structure at Arabic decoration ng Chinese Islamic architecture.

Kaya nitong mag-accommodate ng libu-libong tao na magdasal nang sabay-sabay.

“Every day, we have about five prayers. In the early morning and evening is about 40 to 50 prayers. At noon is about 60 to 70. And on Friday, the Jumma Day is about we have 400 to 450 prayers,” ayon kay Ma Junrong, Imam, Yining Shanxi Mosque.

Nagpapakita ang nasabing mosque ng kahalagahan ng arkitekturang Tsino sa Xinjiang.

At ito ay nasa listahan ng mga makasaysayang likas-yaman na dapat pangalagaan ng rehiyon.

Ang mga tahanan ng mga Uyghur sa kanayunan ay katulad sa tahanan ng mga Muslim sa Gitnang Asya.

Karaniwang gawa ito mula sa mud-brick at kahoy at mayroong isang patio sa labas ng pavilion na may trellises ng makapal na halamanan tulad ng ubas.

Tampok sa loob ng bahay ang isang living room kung saan may ipinapalamuti na mga mahahabang rectangular na unan.

Mayroon din itong iba-ibang mga dining area para sa lahat ng kanilang mga panauhin.

Isa rin sa sikat na atraksiyon at bahagi ng makasaysayang likas-yaman ng lugar ay ang Yili General Mansion o mas kilala rin sa tawag na The Ili Commandery.

Dito nag-oopisina ang lider ng militar sa rehiyon ng Ili o ng Ili Kazakh Autonomous Prefecture noong Qing Dynasty.

Naging opisina rin ito ng iba pang mga opisyal ng gobyerno sa nakalipas na panahon.

Beer na hindi nakalalasing? Alamin 

Sa mga mahihilig ng gatas, matatagpuan din sa naturang prefecture ang isa sa mga malalaking kompanya ng gatas sa China, ang Yili Yimuxin Dairy Co. LTD.

Bagama’t sa China lang makikita, isa sa mga patok na produkto rito ang kanilang milk beer.

Isang inumin na lasang beer pero hindi nakalalasing.

Matamis, masarap at parang may halong yogurt at soda ang lasa ng milk beer.

“Well, this product is developed by our company’s technological team. And as you can see this drink tastes like beer but its alcohol-free. So this is a new era, especially for drivers, they can enjoy beer minus the alcohol. And it’s one of the first products in the whole region,” ayon kay Li Jianghui, General Manager, Yili Yimuxin Dairy Co. Ltd.

Ang mga sangkap na ginamit sa milk beer ay tubig, asukal, milk powder, pineapple juice, at food additives.

Mabibili ang milk beer na ito sa halagang 5 yuan o katumbas ng P38 kada piraso sa mga pamilihan sa Xinjiang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter