IPINAG-UTOS ni Kim Jong Un sa kanyang military chiefs ng North Korea na gumawa ng plano para sa nuclear strike sa South Korea dahil posible aniyang magkagiyera sa anumang panahon.
Sa pagtatapos ng pakikipagpulong ni Kim ng limang araw sa party leaders nito, binigyang diin ni Kim na unti-unting isinusulong ng Estados Unidos ang rehiyon na magkaroon ng nuclear war.
Ayon sa state news media, ang pahayag ni Kim ay pinuri ng mga tagapakinig at nangako nga ito na palalakasin ang nuclear arsenal ng Pyongyang at magtatayo pa ng tatlong spy satellites
Sinisi naman nito ang lumalalang tensyon sa rehiyon sa Estados Unidos dahil nga sa pag-deploy nito ng nuclear armed submarine sa South Korea
Matatandaan na pinalakas rin ng Washington ang military presence nito kasunod ng nuclear missile testing ng North Korea noong buwan ng Disyembre kabilang na nga ang paglulunsad ng kauna-unahang spy satellite nito at Intercontinental ballistic missile (ICBM).