SINABI ni Philippine Ambassador to the United Kingdom Teddy Locsin, Jr. na nagpahiwatig si King Charles III ng kanaisang bumisita sa Pilipinas sa mga susunod na panahon.
Ayon kay Locsin, umaasa si King Charles na makabisita sa Pilipinas matapos nitong isumite ang kaniyang credentials bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Republika ng Pilipinas sa bagong British Monarch.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Locisn matapos nitong isumite ang kaniyang credentials.
Matatandaan na naka-usap din ni King Charles III si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong buwan sa London nang dumalo ito sa opisyal na koronasyon ng British Monarch.