PERSONAL na nagpaabot ng paghanga sa isa sa pinakamalaking indoor cathedral sa bansa at maging sa buong mundo na King Dome ang mismong Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) Mark Lapid.
Sa panayam ng SMNI News sa TIEZA, kinikilala ng ahensiya ang malaking potensiyal sa turismo sa bansa ang itinayong King Dome ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.
Ayon pa sa TIEZA, ang mga ganitong klaseng imprastruktura ay dapat na tangkilikin at pagyamanin para sa inaasahang paglakas ng turismo at potensiyal din sa ekonomiya ng bansa.
Malaki ang pasasalamat nila kay Pastor Apollo sa inobasyon na ito na makapagbigay ng magandang imahe sa Pilipinas at kagalingan ng mga Pilipino pagdating sa disenyo.
Bukod naman sa King Dome, kinilala rin ng TIEZA ang iba pang mga proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa na kailangan pang paunlarin gaya ng airports, seaports, hotels, restaurants, resorts para makaakit pa ng mas maraming turista sa Pilipinas.
Sa ilalim ng programang ito, hindi lang malalaking kompanya ang hinihimok nila na sumali rito kundi maging ang maliliit na negosyo na potensiyal sa pag-angat ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng turismo.