Kita ng turismo, pumalo na sa P149-B hanggang nitong Nobyembre

Kita ng turismo, pumalo na sa P149-B hanggang nitong Nobyembre

PUMALO sa 149 bilyong piso ang kita ng turismo ng Pilipinas hanggang nitong Nobyembre 2022.

Sa year-end report ng Department of Tourism (DOT) na iprinisenta sa Malacañang, sinabi nito na umakyat na sa P149 bilyon o $2.6 milyon ang tourism revenues noong nakaraang buwan.

Habang nakapagtala ang DOT ng 2.4 milyon international arrivals o 75% ng target ng ahensya.

Sa susunod na taon, target ng DOT na magkaroon ng 2.6 milyon international tourist arrivals sa low scenario at 6.4 milyon sa high scenario.

Follow SMNI NEWS in Twitter