KUMITA ang Pilipinas ng hindi bababa sa P100 bilyon mula sa sektor ng turismo nang lumuwag ang mga paghihigpit sa protocol sa kalusugan mula noong Pebrero 2022.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, na ang kita ay galing sa pagdating ng mahigit 2 milyong turista sa nakalipas na 8 na buwan.
Ani Frasco, ang pinakahuling bilang ay umabot ng higit pa sa 1.7 milyong tourist projections ng DOT.
Samantala, idinagdag niya na ang malakas na kita ng turismo sa kasalukuyan ay nagpalakas din sa negosyo at mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga Pilipino.