KOJC Leader: Panahon na para ibalik ang kamay na bakal at hustisya sa bansa

KOJC Leader: Panahon na para ibalik ang kamay na bakal at hustisya sa bansa

BOHOL — Sa harap ng mga residente at lokal na kandidato sa Bohol, muling iginiit ni Eleanor Cardona, Executive Secretary ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at kinatawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang matinding panawagan para sa pagbabalik ng kaayusan, hustisya, at matuwid na pamamahala sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Cardona ang lumalalang kalagayan ng bansa — mula sa serye ng mga kaso ng kidnapping at pagpatay, hanggang sa pagkalugmok ng imahe ng Pilipinas sa mata ng buong mundo.

“Sa mga nangyayari sa ating bansa—kaguluhan, lalo na ngayon sa headlines yung kidnapping at murder sa isang Chinese businessman—nasisira ang imahe ng ating bansa sa buong sanlibutan,” ani Cardona. “Alam natin na talagang sira na, nalulugmok ang bansa, nakakaawa.”

Aniya, hindi na puwedeng manahimik ang mga mabubuting mamamayan. Ang pananahimik, aniya, ay nagbibigay daan sa tagumpay ng kasamaan.

“Sabi nga sa kasabihan, ‘It is enough for evil to triumph for good men to do nothing.’ Pag walang ginagawa yung mga mabubuti, tuluyang magwawagi ang masama. Kaya si Pastor pumasok na sa larangan ng politika — para ibalik ang batas at hustisya.”

Dagdag pa niya, nawawala na ang tiwala ng mga tao sa mga awtoridad at sa batas. Ipinunto rin ni Cardona na kung mailuluklok si Pastor Quiboloy sa senado, maipatutupad muli ang kamay na bakal na pamahalaan gaya ng sa dating Pangulong Rodrigo Duterte — isang uri ng pamumuno na nagpapairal ng disiplina at respeto sa batas.

“Kung mailuklok si Pastor, babalik yung panahong ang mga kriminal ang takot — hindi ang mga inosenteng mamamayan,” paliwanag niya. “Yung anak mo makakalakad ng walang pag-aalinlangan sa gabi. Noon, safe tayo. Ngayon, hindi na natin alam kung kailan tayo ligtas — kahit sa sarili nating tahanan.”

Sa huli, nanawagan si Cardona sa mga botante ngayong nalalapit na halalan, “Kaya sa mga kababayan natin, nananawagan kami—magkaisa tayo. Ibalik natin ang good governance, ang hustisya, at ang pamahalaang may malasakit. Ngayon, kung bibigyan natin si Pastor ng pagkakataon na magkaroon ng boses sa senado, maibabalik natin ang pamumuno tulad ni Tatay Digong — makatarungan, matatag, at may puso para sa bayan.”

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Bohol sa pagbisita ng kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Patuloy rin ang pag-igting ng suporta para sa kanyang kandidatura, kasabay ng pagnanais ng mga mamamayan na wakasan na ang matagal nang suliranin ng kriminalidad, droga, at kahirapan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com

 

Follow SMNI NEWS on Twitter