Kondisyon ng lumubog na MT Princess Empress, malalaman sa mga susunod na araw

Kondisyon ng lumubog na MT Princess Empress, malalaman sa mga susunod na araw

MALALAMAN na ng awtoridad sa loob ng 3 hanggang 5 araw ang kondisyon ng MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Ito ay matapos i-deploy ang isang Remotely Operated Vehicle (ROV) ng Japan.

Ang mga makukuhang impormasyon ng ROV ay magiging basehan para sa susunod na hakbang ng mga awtoridad sa oil spill.

Maliban dito, hinihingi na rin ng Department of National Defense (DND) ang expertise at technical support ng Estados Unidos at France para matugunan ang epekto ng oil spill sa lalawigan.

Nabatid na may kargang 800 libong litro ng industrial fuel oil ang lumubog na tanker na hanggang ngayon ay tumataas sa karagatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter