Kontribusyon ng 80th IB sa komunidad, kinilala ng LGU San Mateo, Rizal

Kontribusyon ng 80th IB sa komunidad, kinilala ng LGU San Mateo, Rizal

TUMANGGAP ng parangal mula sa bayan ng San Mateo Rizal ang 80th Infantry “Steadfast” Battalion kasabay ng taunang selebrasyon ng ika-451 na anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing bayan.

Sina Municipal Mayor Bartolome N. Rivera Jr. kasama sina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at Gov. Nina Ricci A. Ynares bilang mga panauhing pandangal.

Ang naturang parangal ay bilang pagkilala at pagpapahalaga sa serbisyo ng nasabing yunit sa kanilang tungkulin at walang tigil na paglilingkod sa mga mamamayan at ang kanilang natatanging kontribusyon sa komunidad.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 80IB sa lokal na pamahalaang bayan ng San Mateo at mga mamamayan nito sa kanilang pagtitiwala at pagkilala sa mga naging kontribusyon nito para mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kapayapaan sa naturang bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter