PROGRAMANG “Koop Kampi” sa lalawigan ng Bohol posibleng solusyon sa problemang pangkabuhayan at pangkalusugan ayon kay Secretary Harry Roque.
Pinangunahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang isang pagpupulong sa Bohol Federation Cooperative at mga farmer leaders upang magkaisang tugunan ang problemang pangkabuhayan at pangkalusugan sa gitna ng pandemya.
Kakulangan sa pagkain at problemang pangkalusugan, ito ang mga problemang kinakaharap ng ating gobyerno dulot ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito layon ng gobyerno na pag-isahin ang bawat kooperatiba sa probinsiya.
Iminungkahi ni Secretary Roque na sa pamamagitan ng programang “Koop Kampi” ay matutugunan ang problema ng bawat kooperatiba at siguradong lalago at uunlad ang negosyong kanilang hinahawakan upang masolusyunan ang kahirapan.
Binigyang-diin ni Roque ang pagpatatayo ng bawat kooperatiba ng mga ospital upang makamit ang 52,000 minimum patient bed to population ratio na standard ng World Health Organization (WHO) sa pagtugon sa problemang pangkalusugan.
Samantala nagbabala si Roque sa mga oportunista at nagbebenta ng iligal na bakuna.
Sa pagkakaisa ng gobyerno at mga kooperatiba ay matutugunan ang problema ng bawat probinsya.