TINIYAK ng bagong Land Transportation Office (LTO) chief na si Assistant Secretary Jay Arturo Tugade na wawakasan niya ang korapsyon sa ahensya.
Partikular sa pagproseso ng mahahalagang dokumento tulad ng pagpaparehistro ng sasakyan at aplikasyon ng lisensya.
Ayon sa bagong opisyal, ito ang kanyang unang tutukan sa ahensya, lalo na sa mga tiwaling opisyal na sumisira sa tiwala ng publiko sa LTO.
Prayoridad din nito na mas mapataas pa ang antas ng LTO at mai-maximize ang paggamit ng teknolohiya na magpapabilis sa mga transaksyon sa ahensya.
Paiigtingin din ni Tugade ang kampanya ng LTO sa road safety.
Ang Department of Transportation, aniya ay nagtakda ng Philippine Road Safety Plan na nananawagan para sa zero deaths sa mga aksidente sa kalsada.
Matatandaang, pormal nang nanungkulan nitong Nobyembre 16 bilang bagong Land Transportation Office chief si Assistant Secretary Jay Arturo Tugade.
Ito ay matapos manumpa sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista kamakailan.