Kritiko na pilit inuugnay ang Percy Lapid case kay FPRRD at PBBM, “sorry na lang” –Roque

Kritiko na pilit inuugnay ang Percy Lapid case kay FPRRD at PBBM, “sorry na lang” –Roque

SORRY na lang sa mga kritiko na pilit iniuugnay kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Percy Lapid case.

May mga ebidensya na ayon kay Atty. Harry Roque ang nagsasabi na hindi ang dalawa ang nasa likod ng pagpaslang.

Aniya, si dating PRRD ay walang pakialam sa mga kritiko nito at ito lang ang natatanging opisyal na hindi naghain ng kahit isang libel case laban sa kanyang kritiko.

Kay Pangulong Marcos naman, wala aniyang epekto ito dahil 31 milyong Pilipino ang bumoto sa kanya.

Sa kabila nito, napahanga naman si Roque sa Philippine National Police (PNP)at National Bureau of Investigation (NBI) dahil isa ito sa mga mabilis na imbestigasyon na ginawa nila.

Binigyang-diin ni Roque na kahit sinampahan na ng kaso si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief General Gerald Bantag, inosente pa rin ito hangga’t mapatutunayang siya ang nasa likod ng Percy Lapid case.

 

Follow SMNI News on Twitter