Laban vs iligal na droga at korupsiyon, sunod na tututukan ni Pastor ACQ kasunod ng laban vs CTGs

Laban vs iligal na droga at korupsiyon, sunod na tututukan ni Pastor ACQ kasunod ng laban vs CTGs

IBINAHAGI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang susunod nitong tututukan kasunod ng laban kontra sa komunistang teroristang grupo.

Patuloy ang matapang na paglaban ni Pastor Apollo sa mga patuloy na sumisira ng bayan, partikular na ang komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NPA-NDF).

Kaugnay rito, sa panibagong episode ng Powerline nitong Miyerkules, Enero 18, ibinahagi ni Pastor Apollo na sunod niyang tutukang laban ay,

“Drugs and corruption naman. Drugs, and the corruption sa gobyerno,” ayon kay Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, lalabanan at isisiwalat din niya ang mga ito lalo na ang mga nasa pamahalaan na nagpapahirap sa mamamayan.

“Iyong mga nandiyan na hindi tumutulong sa ating pamahalaan kundi nagiging linta rin ng pamahalaan na nasa posisyon, pero ginagamit nila ang posisyon nila para lalong maghirap ang ating pamayanan because of corruption at iyong drugs na walang katapusan ata dahil may collusion din na ating lalabanan at ating i-expose,” saad ni Pastor Apollo. tututukan 

Una nang inihayag ni Pastor Apollo na mas bibilis ang pag-unlad ng Pilipinas kung tuluyan nang mawawala ang droga, korupsyon at ang salot na CPP-NPA-NDF sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter