MALAKI ang posibilidad na agad maiuuwi sa bansa ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa isang residential building sa Kuwait noong Miyerkules.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kumpiyansa siya na maiuuwi ang repatriation sa mga susunod na araw.
Ito’y dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Kuwaiti Government sa mga Pilipino na naapektuhan ng sunog.
Tinitiyak din ni Cacdac ang tulong pinansiyal para sa mga Pinoy workers na naapektuhan ng sunog at maging sa mga mahal sa buhay ng tatlong nasawing OFW.
Bukod pa kasi sa tulong na matatanggap nila mula sa gobyerno ng Pilipinas ay pati na rin ang Kuwaiti Government, ang kompanya o employer ay tutulong sa mga Pinoy na naapektuhan ng sunog.