Labi ng OFW na pinaslang sa Kuwait, nakatakdang iuwi sa bansa ngayong Biyernes –OWWA

Labi ng OFW na pinaslang sa Kuwait, nakatakdang iuwi sa bansa ngayong Biyernes –OWWA

KINUMPIRMA ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakatakdang dumating sa bansa bukas o araw ng Biyernes ang labi ng OFW na pinaslang at ginahasa sa Kuwait.

Inihayag ng OWWA sa SMNI na ang labi ng OFW na si Jullebee Cabilis Ranara ay lulan ng Emirates Airlines Flight EK334 at nakatakdang lumapag ng 9:25 PM sa Pair Pags Cargo ng Ninoy Aquino Avenue, Parañaque City.

Matatandaan, una nang inihayag ni Sec. Susan Ople, dahil nahuli na rin daw ang suspek sa pagkamatay ng Pinay worker ay wala nang nakikitang balakid ang Department of Migrant Workers (DMW) para maiuwi agad  ang bangkay ng biktima.

Una nang kinumpirma ng mga otoridad sa Kuwait ang pagpatay sa Pinay worker na natagpuan sa Salmi Road na sunog nitong Linggo.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang suspek na 17 taong gulang na anak ng amo ni Ranara.

Matapos aminin ng suspek ang krimen at sinabing nagdadalang tao si Ranara noong ito ay namatay base na rin sa autopsy.

Sa ngayon ang mga law office na konektado sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay siya namang humahawak sa kaso.

Na ngayon, hinihintay pa rin daw ng DMW ang report mula sa law firm at sa mga otoridad doon.

Sinabi naman ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na makakatanggap ng karampatang tulong ang naiwang pamilya ni Ranara.

Follow SMNI NEWS in Twitter