Lacson, ibinulgar ang dahilan kung bakit siya ipinagpalit kay VP Leni

Lacson, ibinulgar ang dahilan kung bakit siya ipinagpalit kay VP Leni

ISINIWALAT ni presidential candidate at Senator Panfilo Lacson na ang pondo sa kampanya ang totoong dahilang kung bakit sumuporta si Partido Reporma President Pantaleon Alvarez kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Lacson, hindi ito naniniwala sa sinasabi ni Alvarez na sa resulta ng survey ang dahilan kung bakit ito sumuporta kay Leni.

Ani Lacson, hindi ito totoo dahil malayo rin sa survey si Leni kung ikukumpara sa nangungunang kandidato na si Bongbong Marcos.

Inihayag din nito na nanghihingi sa kanya ang chief of staff ni Alvarez ng ₱800-million ngunit hindi niya ito kayang ibigay.

Sa kabila nito, walang sama ng loob si Lacson sa ginawa ni Alvarez.

 

Partido reporma, tuloy ang suporta kay Sotto sa kabila ng pag-alis ni Lacson

Patuloy na susuportahan ng Partido Reporma si vice presidential candidate Senate President Vicente Sotto III kahit nag-resign na si presidential candidate at Sen. Panfilo Lacson sa partido.

Magugunitang, nagpahayag na ang Partido Reporma na si Vice President Leni Robredo na ang susuportahan nila.

Ayon kay Alvarez, solid sila kay Tito Sotto dahil matagal na niya itong kaibigan at kasama sa mason.

Nilinaw naman ni Alvarez na wala silang tampuhan ni Lacson.

Una nang inihayag ni Robredo na susuportahan pa rin nito ang kanyang ka-tandem na si Sen. Kiko Pangilinan.

Follow SMNI News on Twitter