Lacson-Sotto tandem, magbabago ng campaign strategy

Lacson-Sotto tandem, magbabago ng campaign strategy

MAGPAPALIT ng campaign strategy at tema sa pangangampanya ang Lacson-Sotto tandem isang buwan bago ang Mayo 9 elections.

Ayon kay presidential candidate Senator Panfilo Ping Lacson, may balak silang magpalit ng messaging sa pangangampanya.

Ito ay kasunod na rin ng kaniyang pagkalas kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na ngayon ay sumusuporta na kay VP Leni Robredo.

Sa kasalukuyan ay ‘We Need A Leader’ ang campaign tagline ng Lacson-Sotto tandem.

Ang tagline ay galing o ideya ni Alvarez para sa kaniya.

“Yung We Need a Leader that’s really for me ha. Noong sinimulan ‘yun talagang we need a leader referring to me but since it was Speaker Alvarez who went around as early as I think two years ago we started moving around with understanding or at least as far as both of us are concerned with understanding na para sa akin ‘yun. Now kung hindi na para sa akin ‘yun, since sya naman ‘yung unang nag-concoct noong phrase na ‘We Need a Leader,’ then probably I might reconsider changing or tweaking it. We’re going to adopt probably something like ‘We Have a Leader.’ Mas maganda ‘di ba?” pahayag ni Lacson.

May pagbabago rin aniya sa messaging ng kanyang kampanya para maalis sa isip ng botante na masasayang lang ang kanilang boto kapag siya ang pinili dahil sa mababang survey results.

“Meron, may adjustments actually, yun ang gusto naming ma-overcome o ma-bridge. Yung bar na yun na kung saan gusto kami dahil kami ang may qualifications, kami ang may competence pero laging may pero, gusto naming i-break ang pero. Gusto naming tanggalin ang pero. Probably sa messaging, sa communication strategy, yun ang, doon kami magshi-shift actually,” dagdag ni Lacson.

Mas pipiliin aniya na dumirekta na makipag-usap sa tao sa halip na sa political leaders, karamihan sa mga ito ay taliwas sa kanyang tindig laban sa pork barrel.

Follow SMNI News on Twitter