Lalake arestado sa buy-bust ng PDEA; P3.4M halaga ng iligal na droga, nakumpiska

NAHULOG sa kamay ng awtoridad ang isang suspect matapos isagawa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang motel sa Barangay Gaudalupe, Makati City.

Wala nang nagawa pa ang suspek matapos itong dakmain ng awtoridad nang magkapalitan na ng bayad at droga sa kanyang katransaksyon na isa palang agent.

Alas 3:30 ng Linggo ng hapon nang isagawa ng mga personahe ng PDEA ang buy-bust operation sa laban sa isang drug personality kinilalang si Marion Balinas, 39-anyos at taga-Makati.

Nakuhanan ng video sa loob ng motel ang isang babaeng PDEA agent na kausap ang target ng operasyon na si Balinas na may dalang backpack.

Makikita rin sa video na may dalang berdeng eco bag ang target at dito ay kanyang binuksan at kinuha ang dalawang nakasupot na pinaghihinalaang iligal na droga.

Dito’y agad kinuha ng PDEA agent ang isang paper bag na may lamang boodle money bilang pambayad ng suspek.

At nang maiabot at matanggap ng suspek dito na pumasok sa loob ang iba pang tropa ng PDEA at agad hinula at pinusasan ang suspek na hindi naman nanlaban.

Tinitiyak naman ni PDEA , Special Enforcement Service (SES)  Officer-in-Charge Irvin John Coderia na wala pa ring puknat at ginagawa nilang matinding operasyon laban sa iligal na droga batay sa matagal nang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng suspek.

Ayon pa sa PDEA, aalamin nila kung sino pa ang konektado na mga drug personality sa nahuling suspek gamit na rin ang nakuha nitong cellphone.

 

Follow SMNI News on Twitter