Hot pursuit operation ng militar vs NPA sa Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan, nagpapatuloy

KASALUKUYAN  ay nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng militar laban sa  mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan mula pa ng madaling araw ng Enero 29.

Inihayag ngayon ng Philippine Army 5th Infantry Division, na delikado pa ang lugar ng bakbakan dahil sa tuluy-tuloy na operasyon ng mga militar laban sa mga rebeldeng terorista.

Sa panayam ng SMNI News kay 5th ID Spokesperson Captain Rigor Pamittan, isang impormasyon ang kanilang natanggap dahil sa namataang presensiya ng mga rebelde sa nasabing barangay na nagsasagawa ng serye ng extortion sa mga residente.

Isang  mataas  na  opisyal  ng rebeldeng  kilusan  ang kasama sa nasabing grupo na nagngangalang Kumander  Carl  na  siyang kalihim  ng  Komiteng  Rehiyon  Cagayan Valley.

Ito  ang dahilan  para  magsagawa  ng  operasyon  ang  militar  na  nagresulta sa  bakbakan.

“Mayroon tayong informations na nagbigay sa atin na mga lokal na mga residente doon sa area maging doon sa isang mataas na lider na namataan diyan sa Cagayan. Nagwespond tayo doon sa information gamit ang tropa ng 501st Infantry Brigade,” pahayag ni Pamittan.

Kinumpirma rin ng militar sa interview ng SMNI ang paghingi nila ng tulong sa Philippine Air Force upang tugisin ang mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA.

Anila, agad na tumugon dito ang air assets ng Armed Forces of the Philippine at halos walang tigil na pinaulanan ng bala ang pinakukutaan ng mga armadong grupo malapit sa barangay.

“Dahil sa inisyal na nakuha na impormasyon, hindi lalagpas sa 40 na mga members ng NPA ang nakita diyan sa lugar at kumpirmado ito ng sa impormasyon na nakuha natin sa mga lokal na residente. So, may nga naka-engagement na nauna bago tayo nagrequest ng air and close air and fire support ng Philippine Air Force,” ani Pamittan.

Samantala, sa isang video na kuha ni Marivic Ascueta residente ng Sitio Bagsang Sta Clara Gonzaga Cagayan, hindi kalayuan sa lugar, makikita at maririnig sa salaysay nito ang kanilang takot habang dinig-dinig ang palitan ng putok ng baril at ang patuloy na aerial survey ng Philipine Air Force sa lugar

Sa kabilang banda, nangako ang tropa ng militar na agad silang  magpapalabas ng detalye sa nangyayaring giyera laban sa mga rebelde oras na ma-clear na anila ang  engkwentro.

Sa ngayon ay wala pong nasugatan sa hanay ng ating katropa, sa hanay ng kasundaluhan natin. Sa hanay naman po ng NPA nandun pa tayo sa verification dahil sa mga bakas na naiwang dugo doon sa pinangyarihan, sa lugar ng pinangyarihan,” dagdag ni Pamittan.

Nauna nang lumabas ang ilang larawan na nagsasabing hango ito sa kasalukuyang engkwentro sa probinsiya kung saan makikita ang kalunos lunos na pagkasawi ng ilang pinaghihinalaang miyembro ng NPA.

Wasak ang mukha ng ilan habang tadtad ng bala ang iba pa.

Pero ayon sa Philippine Army 5th Infantry Division, hindi totoo ang naturang mga larawan dahil sa nakuha ito noong kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion at communist NPA terrorist sa Guihulngan, Negros noong Marso 23, 2021.

FAKE ALERT || The 5th Infantry Division, Philippine Army would like to clarify that the photos circulating in social media and other mobile apps are not the photos of the alleged Communist NPA Terrorists who were killed during an encounter in Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan on January 29, 2022. Rather, these photos were related to the armed engagement between the 62nd Infantry Battalion and CNTs in Guihulngan, Negros on March 23, 2021.

The 5ID urged all our media friends to refrain from posting/sharing these pictures to not confuse the public and our fellow media entities any further. We do believe that all of us are advocates of disseminating true, verified, and confirmed information to prevent the spread of fake news/information.

Sa kabila nito, niniwala  ang Philippine Army na mahina na ang pwersa ng mga rebelde sa cagayan dahil sa matagumpay na operasyo ng mga ito kasama ang tuluy tuloy na pagbabalik loob sa lipunan ng mga miyembro ng kilusan.

Follow SMNI News on Twitter