ABU-SAYYAF free na ang Lamitan City, Basilan.
Inanunsiyo ito nitong Martes, Hunyo 18 sa pamamagitan ng isang seremonya.
Sa seremonya, isinuko ang nasa 46 na loose firearms kabilang na ang high-powered at low-powered firearms at hand grenade bilang simbolo ng pagiging Abu-Sayyaf free nito.
Sa aktibidad ay dumalo ang commander ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army para batiin ang Lamitan City sa katagumpayang ito kontra Abu Sayyaf.