NAARESTO ang isang Filipino immigrant sa Terminal 2 ng Kuala Lumpur International Airport (KLIA) nitong Marso 23 na napag-alamang sumailalim sa pagsasanay sa militar at bihasa sa paghawak ng baril.
Ayon sa isang pahayag, mula sa Malaysian Anti-Corruption Commission, ang 30-anyos na lalaki na naaresto habang nagtatangkang pumasok sa Peninsular Malaysia gamit ang isang inuupahang MyKad mula sa isang lokal na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na nakabase sa Tawau.
Sa interogasyon, nabatid na ang suspek ay sumailalim sa 44 na araw ng military training sa Dankalan Camp, Lamitan City sa Pilipinas sa pagtatangkang maging miyembro ng security forces.
Anila, iligal na pumasok ang suspek sa Malaysia sa pamamagitan ng Sabah bago tumuloy sa Peninsular Malaysia.
Ikinababahala ang kaniyang kakayahang gumamit ng baril na maaaring magbanta sa seguridad at kaligtasan ng publiko.
Samantala, ang MACC ay patuloy na nagsisikap na matuklasan ang mga prinsipyong aktibidad ng mga sindikato sa pagpupuslit ng mga iligal na imigrante habang ang mga graftbusters ay nagsisikap na tuklasin ang mga indibidwal na narenta ng kanilang MyKad sa sindikato.
Ang sindikato ay nagbibigay ng orihinal na MyKad at boarding pass sa pangalan ng orihinal na may hawak ng MyKad sa mga undocumented immigrant na gumagamit ng kanilang mga serbisyo.