MATAPOS ang ilang dekada na ginawang kuta ng grupong Abu Sayyaf ang munisipalidad ng Lantawan sa Basilan ngayon ito ay ganap nang malaya mula sa nasabing grupo.
Ito ang inihayag ni Basilan Governor Hadjiman Hataman-Salliman kasabay ng seremonya na ginanap sa Brgy. Manggas ng nasabing bayan.
Ang nasabing deklerasyon ay mas pinagtibay pa ng mga top military at police officials sa nasabing probinsiya, ibinida naman ng gobernador ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lalawigan sa pagkamit ng kapayapaan.
Sa nasabing seremonya, iba’t ibang matataas na kalibre ng armas ang isinuko at narekober mula sa mga dating dating miyembro ng Abu Sayyaf.
Samantala sinabi naman ni Brig. Gen. Alvin Luzon, commander ng 101st Infantry Brigade na ang pagkakadeklara sa bayan ng Lantawan bilang ASG-free ay maituturing na makasaysayan.