HINDI maaaring idahilan ang land conversion at development upang mawala ang mga nakagisnang negosyo o industriya sa Pilipinas gaya na lang ng produksyon sa asin.
Ayon kay Atty. Harry Roque, kailangan ang development lalo na’t dumarami ang populasyon sa bansa.
Para sa butihing abogado, marami pa ang mga baybayin sa Pilipinas at sasapat pa ito para mapanatili ang salt industry.
Hinggil sa iodization na nakasaad sa ASIN Law (An Act for Salt Iodization Nationwide), sinabi ni Roque na mainam na tumulong ang gobyerno sa mga nag-aasin.
Magugunitang sinabi sa isang hearing ng Senado na ang Salt Iodization Law ng bansa ang siyang pumapatay sa industriya ng asin.