PAGKATAPOS ng asukal at sibuyas, asin naman ngayon ang bumababa ang produksyon.
Sa pagdinig ng Senado araw ng Miyerkules, Enero 18, sinabi ni Senator Cynthia Villar na isang malaking kalokohan ang pag-import ng asin.
Ito ay kasunod ng batas na Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN) Law.
Alinsunod sa naturang batas, nirerequire nito ang mga local producer na mag-produce ng iodized salt.
Dahil dito ani Villar ay namatay ang industriya ng asin sa Pilipinas.
Sa panig naman ng National Nutrition Council, ayon kay Surveillance Division OIC Ellen Abella, noong panahong dinedevelop pa ang naturang batas, mataas ang lebel ng iodine deficiency ng Pilipinas.
Ngunit sinabi ni Villar na dapat e-require na lamang sa mga producer ng asin na idaan sa iodization ang kanilang produkto at huwag nang mag-import.